Paano mo masasabing para sa’yo kung hindi mo susubukan? Paano mo masasabing ginawa mo ang lahat kung hindi ka lumalaban? Hahayaan mo na lang bang kainin ka ng takot at umatras na lang? Tatanggapin mo na lang ba na talo ka kahit hindi mo pa sinusubukan? Paano mo nasasabing hindi mo kaya kung hindi mo pa sinusubukan? Nalaman mo na ba kung hanggang saan ang kaya mo? O ikaw lang ang gumagawa ng limitasyon para sa sarili mo? Kung gusto mo talaga bakit hindi mo ipaglaban? Gawin mo ang sa tingin mo ang dapat mong gawin. Natatakot ka? Harapin mo! Wala namang lumaban ng patas Na alam kung ano agad ang kahihinatnan Ang mahalaga lumaban ka! Paano kung mabigo? Ang mahalaga hindi ka nabigo dahil umatras ka. Basta lagi mo tatandaan Labanan mo yung mga bagay na karapatdapat mong labanan Dahil hindi lahat ng laban sa buhay dapat mong labanan. May mga laban na para sa’yo May mga laban rin na hindi pinagaaksayahan ng oras mo Piliin mo ang laban na para sa’yo Yung laban na sinisigaw ng puso mo Yun ang labanan mo. Wag mo atrasan! Wag mo sukuan! Dahil sa huli ano man ang kinahinatnan Malalaman at masasabi mo sa sarili mo Salamat at lumaban ako! |