Ganoon pala talaga kabilis lumipas ang panahon, hindi natin namamalayan. Siguro dahil na rin sa dami ng ating mga iniisip sa buhay, sa dami ng ating mga ginagawa o ano man pinagkakaabalahan. Masyado tayo naka-focus sa mga iyon kaya madalas hindi natin namamalayan na lumilipas na pala ang mga oras at mga araw.
Ngunit nang dumating ang aking kaarawan, tila ako'y nabigla. Halaa! 22 na pala ako. Lumipas na naman ang isang taon na tila kaydami na ngang nangyari sa buhay ko. Binabalikan ko ang bawat oras, araw at buwan na lumipas wala ako ibang masambit kundi "Lord, maraming maraming salamat po."
Isang matagal ko ng panalangin ang dininig ng Panginoon ngayong kaarawan ko. Isang pangarap na naman ang kanyang tinupad sa buhay ko. At ito ang aking pagpasa sa CPA Board Exam. Tama ang mga katagang madalas sinasabi ng iba tungkol sa kanilang tagumpay: "Mas masarap ang tagumpay lalo na't alam mo na pinaghirapan mo itong makamit."
Wala na'kong mahihiling pa ngayong kaarawan ko, dininig na ni Lord ang pinakagusto kong regalo. At ganoon po pala ang pakiramdam kapag umabot ka na sa punto ng buhay mo na masasabi mong "tapos na rin sa wakas!" Hahaha. Marahil sa iba, ang OA ko pakinggan o ng aking mga sinasabi. Masyado naman ako madrama! Hahaha. Okay lang po. Pero eto po talaga ang totoo! :))
Sabi ko sa sarili ko ang sarap-sarap naman CPA na ako ngayong birthday ko. Isang bagay na hindi ko nahahawakan pero alam kong sa'kin ito at walang makakaagaw nito. (medyo selfish, di lang ikaw CPA Keks, haha. - I know pero birthday ko, kaya pagbigyan! lol)
Pero bukod po sa pag-pasa sa board exam, ang higit ko pa pong ipinagpapasalamat ay ang mga pagsubok na aking hinarap at mga aral na aking natutunan nitong nakaraang taon. Hindi man po naging madali ang lahat-lahat pero masasabi ko pong nag-enjoy ako sa life na ibinigay sa'kin ng Diyos. Dahil sa bawat hakbang ko, nakita ko po ang sarili ko kung paano ako bumangon sapagkadapa, nag-grow at nakalabas sa bawat kinakatakutan ko. Isa-isang hinarap ang pagsubok sa buhay at isa-isa ring nakamit ang kasagutan at solusyon sa mga ito.
Hanggang sa ito po ako ngayon, si Kakay, si Kakay na tinitingnan ang kanyang letrato na kahit siya mismo hindi niya alam kung paano ganoong kabilis ang transformation sa buhay niya. Minsan nagugulat pa rin po siya kung sino siya ngayon, kung paano siya ngayon. Pero siya pa rin po si Kakay, mas naging si Kakay lang po siya. (Huh? Ano daw? Labo!) Ang ibig ko po sabihin ay mas nagawang maging si Kakay ni Kakay. Dahil ito pong Kakay na nakikita niyo sa larawan ay ang Kakay na matagal ng nagtatago sa loob niya na takot na takot lang lumabas at ipakita ang kanyang sarili dahil sa mga bagay na kanyang ipinagaalala noon.
Iyang Kakay na yan, yan ang Kakay na matagal na niyang gustong maging. Dahil si Kakay alam niya sa puso niya na marami pa siyang kayang gawin ngunit natakot lang siya noon. Alam niya na may kaya pa siyang ibigay ngunit tila may pumipigil lang sa kanya noon. Pero ngayon, eto na siya, nabitawan na ang mga takot at pangamba, handa ng humarap sa panibagong chapter ng buhay niya. Handa ng harapin ang mga susunod na pagsubok na may lakas-loob, paninindigan sa sarili at tiwala sa Panginoon. Isang Kakay na akala mo bata pero ang dami na palang alam sa buhay at masasabi mong matured na dahil sa kanyang mga pinagdaanan.
Si Kakay noon at ngayon ay si Kakay bukas. Maraming naging pagbabago at marami pang magbabago ngunit si Kakay ay si Kakay pa rin... nagiging matured lang sa paglipas ng panahon, ngunit siya pa rin ang kilala niyong Kakay na makulet (mas makulet lang ngayon), laging may pinaglalaban (haha, competitive lang), at laging nandiyan para sa kanyang pamilya, kaibigan, mahal sa buhay at ibang tao, handang tumulong sa abo't ng kanyang makakaya.
May 31, 2015
Blessed Birthday